May angal ka ba sa amo mo?

By
|
Posted on Feb 24 2006
Share

May reklamo ka ba sa amo mo? May dapat ka bang ipaalam sa awtoridad tulad ng pagmamalabis sa iyong karapatan bilang manggagawa dito sa CNMI?

Ayon sa Philippine Overseas Labor Office at Konsulado ng Pilipinas sa CNMI, kung mayroon ang isang Overseas Filipino Worker, na naninilbihan sa Saipan, na reklamo ng pagmamalabis tulad ng hindi nagpapasahod sa tamang oras, kinakaltasan kahit hindi ito nakasaad sa kontrata, o lumalabag sa iba pang probisyon ng kanilang kontrata at sa kanilang mga karapatan, nararapat lamang ito na ipaalam kaagad sa CNMI Division of Labor.

“Dapat kang pumunta sa CNMI Division of Labor at ipaalam sa kanila ang iyong problema sa iyong employer,” ayon sa lathalain ipinamamahagi ng POLO sa kanilang opisina sa Susupe. Dagdag pa nito na ang imbestigador ay makikinig sa kanilang mga reklamo. Magbibigay din sila ng mga payo kung ano ang dapat nilang gawin.

Ang bawat OFW ay pinapayuhan ding maghanda ng isang sulat na naglalahad ng kanilang pangalan, passport number, pangalan ng employer, reklamo at contact number. Ang sulat ay dapat iabot sa imbestigador at ang reklamong ito ay dapat mahanapan ng solusyon sa loob ng 30 araw, ayon sa CNMI Division of Labor kung saan ang kanilang opisina ay matatagpuan sa Afetna Building sa San Antonio.

“Ang batas ay nagsasaad ng anim na buwan na ‘statute of limitations’ kaya kailangan na ang reklamo ay maisampa sa loob ng panahon na ito,” ayon sa lathalain. Kung hindi ito maisampa agad, ang reklamo ng isang OFW ay maaring hindi na maaksyonan.

Disclaimer: Comments are moderated. They will not appear immediately or even on the same day. Comments should be related to the topic. Off-topic comments would be deleted. Profanities are not allowed. Comments that are potentially libelous, inflammatory, or slanderous would be deleted.